tulip (tyú•lip) : alinman sa mga bulbong haláman (genus Tulipa) na may mahabà, malapad, at patulis na dahon, at may malaki na hugis tásang bulaklak.
tu•lís : maliit na isdang-alat (specie Dussumieria), kapamilya ng tamban, may uring pinilakang mangasul-ngasul at may uring pini-lakang mangilaw-ngilaw
tú•log 1: pansaman-talang pagtigil ng pandamá 2: pagiging hindi aktibo o walang gamit 3: ang pakiramdam na dehado o posibleng matálo gaya sa “May túlog tayo sa baksing” 4: pagtigas, gaya ng natulog na langis o mantika
tú•long 1: gamit, pera, o serbisyo na ibinibigay sa nangangailangan 2: pagbibigay ng gamit, pera, serbisyo sa nangangailangan
tú•los : piraso ng kahoy, kawa-yan, o metal na may tulis sa isang dulo, karaniwang ginagamit na pambakod o kabítan ng sampáyan kung mahabà, at kabítan ng serga o suga kung maikli