Tu•lóy! 1: paanyaya ng pagpapa-pasok sa isang panauhin sa loob ng bahay, opisina, at katulad 2: pahayag ng pagpapalakas ng kalooban ng isang tao upang gawin o abutin ang nais
tu•lú•yan : nakasulat o binibigkas na wika sa karaniwang anyo nitó at walang tugma at sukat, karaniwang tumutukoy sa katha
tul•yá : uri ng almeha (Corbi-cula manilensis) na kahawig ng halaan ngunit higit na maliit, 2 sm ang lakí, makinis at kulay tsokolate ang talukab, at maputî ang pabilóg na lamán
tul•yá•pis 1: butil ng palay na walang bigas 2: a bagay na walang kuwenta 3 b umok o dapulak sa damit