tum•báng pré•so : laro na pina-tutumba ang isang basyong láta na nakatayô sa loob ng isang bilóg na guhit sa lupa.
tum•bás 1: katapat na halaga, súkat, bisà, at iba pa 2: may katulad na anyo, posisyon, fun-siyon, at iba pa
tum•bá•san : ekspresyon o proposisyon, karani-wang alhebraiko, na tinitiyak ang pagkakapantay ng dalawang kanti-dad
tum•bók 1: bumbong na nagsisilbing boya sa lubid na pa-ngisda o bumbong na tinutulayan para hindi lumubog 2: pagsundot gamit ang dulo ng sibat o tungkod.
tum•bók 1: deretsong tamà sa gitna o malapit sa gitna 2: nasundot ng matulis na bagay 3: sa bilyar, tamà sa pangalawang bola.
tum•bóng 1: ang dulo ng malakíng bituka; namamagâng pu-wít 2: kulay gatas at biluhabâng tubò sa loob ng niyog 3: uri ng kabute (genus Lycoperdaceace) 4: munting gubat.