tú•mok 1: pook na malago ang tubò ng mga damo, lalo na ang matataas na talahib o kugon 2: bulók na sakate at naging putik.
tumor (tu•mór, tyú•mor) : pamamagâ, lalo na ang abnor-mal na paglakí ng tissue, na maaa-ring , malubha o nakamamatay.
tum•pák 1: naaayon sa kumben-siyonal na pamantayan o kalakaran 2: naaayon sa katotohanan o lohika 3: malaya sa kamalian
tum•páng 1: pagpasán o pagsusunong ng mga bagay na patong-patong 2: pagpapatong ng isang bagay sa ibabaw ng isa pa 3: nakahílig na pálo ng kilya ng barko.
tum•pík 1: pagiging lubhang pihikan sa pananalita, kilos, at iba pa 2: palamuti o hiyas na isinusuot sa leeg o baywang.
tu•mú•no : tagapag-ingat ng kalendaryo ng mga Ifugaw na may 13 lubid na katumbas ng 13 buwan, pangunahin niyang gawain ang pagbubuhol sa lubid katumbas ng isang araw.