tu•mu•rò : ang layò sa pagitan ng dulo ng hinlalakí at dulo ng hintuturo kapag nakabanat na magkahiwalay
tu•mu•wáy 1: tagapama-hala1 2: upuan sa sasakyang-dagat sa pagitan ng piloto at ng may-ari ng bangka.
tú•naw 1: pagiging nása anyo ng likido 2: pagba-bago ng anyo ng pagkain sa bibig, tiyan, at bituka upang masipsip ng katawan
tú•nay 1: hindi gawâ-gawâ o kathang-isip lámang; batay o sang-ayon sa pang-yayari 2: obhetibong pag-iral 3: a hinggil sa pag-iral, kasalungat ng hindi pag-iral b kasalungat ng posibilidad o potensiyal c bukod sa karanasan; kasalungat ng nakikíta 4: alinsunod sa orihinal, pamantayan, at katulad 5: tapat 6: sa potograpiya, aktuwal na pagtatagpo ng mga ray, gaya ng retratong likha ng kamera
tun•dâ 1: pangingis-da sa pamamagitan ng bingwit 2: maliit na bangkang lulan sa isang malakíng barko.
tun•dà•an 1: pagtandâ kung paano dapat ang ayos o anyo ng mga bagay 2: maliit na bang-kang lulan sa isang malakíng sasakyang-dagat.
tundra (tán•dra) : maba-bà, walang punò, at malamig na rehiyon, lalo na sa Arctic, may maputik na rabaw, at may nagye-yelong susón sa ilalim ng rabaw ng lupa.