• tá•in

    png
    1:
    [ST] pagtigil ng mga guya upang sumúso sa inahin
    2:
    panghúli ng hipon

  • ta•í•nga

    png
    1:
    organ ng pandi-nig at panimbang ng tao at mga vertebrate
    2:
    bahagi ng katawan ng ibang hayop na sen-sitibo sa tunog
    3:
    bagay na hugis tainga
    4:
    hawakan ng sisidlan, gaya ng tainga ng tása
    5:
    [ST] pamamaga ng kuko sa isang bahagi at magkaroon ng nana
    6:
    [ST] kapirasong balát sa tungâ na nagdudulot ng matinding kirot

  • ta•í•ngam•bá•buy

    png | Bot | [ taínga+ ng+báboy ]
    :
    maliit na punongkahoy (Gonocaryum calleranum) na may mahahabà at maliliit na sanga, at tíla nuwes ang bungang kulay lilang-itim at may matigas na putîng lamán na nababalutan ng mabunot na talupak

  • ta•í•ngam•bu•háy

    png | Bot | [ Tag taínga +na+buháy ]

  • ta•i•ngáng-da•gâ

    png | [ taínga+ng+ daga ]
    1:
    uri ng kabute (genus Auricularia) na matatagpuan sa mga patáy na kahoy, nakakain, at karaniwang inihahalò sa pansit
    2:
    gumagapang na yerba (Oxalis repens), may bulak-lak na kulay dilaw, lima ang talulot, at may bungang mabalahibo at tíla kapsula, natatagpuan sa lahat ng mainit na pook sa daigdig

  • ta•í•ngang-ka•wa•lì

    pnr | [ tainga+ng+ kawalì ]
    :
    nagbibingi-bingihan, lalo na sa dumadaing

  • ta•íp

    png | [ ST ]
    :
    mabango o maba-hong amoy na tangay ng simoy ng hangin

  • tá•ip

    png | [ ST ]

  • tá•is

    png
    1:
    [ST] pagpurol o pagkasirà ng isang kasangkapan dahil sa labis na paggamit dito
    2:
    [Bik Kap] hasà1

  • ta•ít

    pnb | [ ST ]
    :
    muntik na

  • ta-í•ta

    png | [ Ifu ]
    :
    tawag sa mga tinilad na kawayang ipinampapalakpak para isaliw sa pag-awit kapag may seremonya ukol sa patay

  • tá•i tsí

    png | [ Tsi ]
    1:
    martial arts at sis-tema ng pagpapalakas na binubuo ng magkakasunod na mababagal at kontroladong galaw
    2:
    ang pi-nanggagalíngan at hanggahan ng katotohanan, na pinagmulan ng Yin at Yang at ng lahat ng nilikha

  • ta•i•wá•nak

    png | Bot

  • Taj Mahal (tadz ma•hál)

    png | Ark | [ Hin ]
    :
    maringal at dinadayong musoleo sa Agra sa hilagang bahagi ng India na itinatag ng emperador na si Sha Jahan sa alaala ng kaniyang paboritong asawa na nagbigay sa kaniya ng labing-apat na anak

  • ta•ká

    png | [ Kap Tag ]
    1:
    gúlat na may kahalòng paghanga bunga ng isang bagay na maganda, hindi inaasahan, hindi kilalá, o hin-di maipaliwanag
    2:
    damdaming nagtutulak sa tao para magsiyasat o magtanong bunga ng hinala o pagdududa

  • ta•kà

    png
    :
    pantaták, gaya ng rubber stamp o selyador

  • tá•ka

    png
    1:
    a pág•ta•tá•ka proseso ng paghahalò ng sinapal na papel at mga sangkap, gaya ng resina, langis, at katulad, dili kayâ’y pagsasapin-sapin ng mga papel na pinahiran ng pandikit at inihuhulma sa nais na anyo bago matuyo b ang likhang si-ning bunga nitó
    2:
    mga patpat na inilalagay sa ibabaw ng umusbong na tanim ng palay
    3:
    ibon (Sitta frontalis aenochlamys) na itim ang noo, bughaw ang itaas na bahagi ng katawan, malaki ang paa, tuwid ang tuka, at maikli ang buntot

  • ta•kád

    png
    :
    padyák1 o pagpadyak, karaniwan kapag nagagalit

  • tá•kad

    png
    1:
    risoma ng tubó na iniiwan sa bukid upang patubuin o itanim muli
    2:
    susing nakasuksok sa susian
    3:
    batayán
    5:
    [Bik] tákal1
    6:
    [ST] pagpalò pababâ o pagsipà
    7:
    [ST] pagpapatong ng paa sa lupa
    8:
    pagtatama ng isang kolumna sa base nitó
    9:
    [ST] pagbababâ ng hagdan na dáting nása itaas

  • ta•ká•da

    png
    1:
    paraan ng pahayag
    2:
    sa kara krus, sunod-sunod na pa-nalo