tá•bas 1: paraan ng gupít o paggupít 2: itsúra1 3: isdang-alat (Mene maculata) na bilugán ang katawan at maliit ang ulo
ta•bá•tib : matabâng baging (Raphidophora merrillii) na gumagapang sa katawan ng punongkahoy at may mga dahong hugis itlog
tá•baw 1: sistema ng transportasyon sa paghahatid ng mga tao, bagay, at iba pa túngo sa kabilâng pampang 2: tawíran2 3: punongkahoy (Lumnitsera racemosa) na tumataas nang 18 m
tá•baw•tá•baw : baging na may dilaw na bulaklak, mapait na bunga, at karaniwang makikíta sa sapà, pampang, at iba pa