ta•ber•ná•ku•ló 1: dambana o altar na may habong 2: pook-sambahan para sa malalakíng kongregasyon 3: a napápasáng santuwaryo, dalá-dalá ng mga Israelita sa kanilang paglalakbay mula Ehipto hanggang Herusalem b ang templo ng mga Hudyo 4: munting kabinet para sa konsagradong ostiya 5: pansamantalang silungán, gaya ng tolda
ta•bí 1: magsubi, magbukod, o magtirá 2: ilagay sa gilid ang isang bagay 3: iligpit o itagò 4: umalis sa kinata-tayuan upang magbigay-daan 5: tumae
ta•bi•gì : uri ng punongkahoy (Xylocarpus granatum), karaniwang matatagpuan sa gilid ng mga ilog o sapà