umlaut (úm•lawt) 1: pananda ( ¨ ) sa itaas ng isang patinig, lalo na sa wikang German, na nagsasaad ng pagbabago ng tunog ng nasabing patinig 2: ang aksiyon ng pagpapalit nitó
ú•mok 1: maliliit na uod na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng masamâng amoy ng bigas o tinapay 2: amoy na likha nitó
umpire (ám•payr) 1: tao na pinilì upang magpatupad ng mga batas na nauukol sa palakasan 2: tao na itinalaga upang mag-ayos ng anumang hindi pagkakasundo