undercurrent (án•der•ká•rent) 1: presyur sa ilalim ng rabaw 2: damdamin, impluwensiya, at katulad na karaniwang salungat sa isang umiiral na kaayusan
underdeveloped (án•der•de•vé•lopt) 1: hindi pa ganap na buo 2: sa isang bansa, kalagayang hindi pa ganap na maunlad ang ekonomiya 3: sa potograpiya, hindi ganap ang pagkabuo o paglabas ng mga imahen
underdog (án•der•dóg) 1: áso o tao na natálo sa labanán 2: tao o pangkat ng mga tao na inaasa-hang matatálo sa paligsahan o labanán
undergraduate (án•der•grád•weyt) : mag-aaral sa kolehiyo o unibersidad na hindi pa nakakuha o nakatapos ng unang kurso
underground (án•der•gráwnd) 1: pook o rehiyon sa ilalim ng lupa 2: daan sa ilalim ng lupa 3: lihim na organisasyong tumututol sa umiiral na pamahalaan
underworld (án•der•wórld) 1: bahagi ng isang lipunan na binu-buo ng mga tao na nabubúhay sa paggawâ ng organisadong krimen 2: pook sa ilalim ng mundo na pinatutunguhan ng mga patay 3: rehiyon sa ilalim ng rabaw, gaya ng sa mun-do o lawas ng tubigan 4: ang kabilâng bahagi ng mundo
underwriter (án•der•ráy•ter) 1: tao na lumalagda sa mga polisiya ng seguro o , namumuhunan sa segu-ro bílang negosyo 2: tao na nanga-ngasiwa sa mga ambag at kasunduan
un•di•rík 1: paglangoy gamit ang paa at nakaangat ang dibdib 2: pakikipaglaban sa bingit ng kamatayan