ú•nay 1: pagtiris ng kuto sa ulo mismo 2: pagsasáma-sáma at pagpapatúloy sa isang gawain 3: paggawâ ng bahay sa mga nakatayông haligi 4: pagtututok ng punyal sa dibdib at pagbabantâ 5: pagtuturo kung ano ang dapat gawin sa pamamagitan ng paggawâ muna sa itinuturo sa harap ng tinuturuan 6: pagtitipon ng mga kasapi ng isang samahán o bansa para sa isang bagay
uncertainty principle (an•sér•teyn•tí prín•si•pól) : ang prinsipyong quantum-mechanical na hindi ganap na malaláman sa magka-tulad o sabay na oras ang momentum at posisyon ng isang particle
Uncle Sam (áng•kel sam) : personipikasyon ng pamahalaan o mga mamamayan ng Estados Unidos na inilalarawan bílang matangkad, may balbas, nakasuot ng bughaw na tailcoat, pantalong may pulá at putîng guhit, at sombrerong may guhit na mga bituin
un•dáy 1: galaw ng bagay na na-kabitin 2: galaw ng kamay mula itaas patúngo sa susuntukin o sasaksakin
under (án•der) 1: nása ilalim 2: nása loob ng isang rabaw, at katulad 3: a kung sa ranggo o tungkulin, mababà o nakailalim sa isang opisyal b kung sa halaga o presyo, higit na mababà