um•pók : maliit na pangkat ng magkakaharap na mga tao, karaniwan para sa paglalaro, kuwentuhan, at katulad
un- 1: pambuo ng pang-uring pamanahon, deribatibong pangnga-lan, at pang-abay na nangangahulu-gang a hindi; nagsasaad ng kawalan ng kalidad, hal unusable, uneducated, unofficially b kabaligtaran na kahu-lugan ng isang salita, hal unselfish, unsociable 2: pambuo ng pangngalan, hal unrest, untruth
ú•na 1: sa tao o bagay, binanggit bago ang ikalawa o ikatlo 2: pangunahin 3: nagtatanghal ng pinakamataas o pangunahin sa dalawa o higit pang bahagi ng magka-tulad na instrumento o tinig
u•na•hán 1: ang nauuna sa isang hanay 2: pangharap na bahagi ng sasakyan, bagay na pahabâ, at katulad 3: habulán2
ú•nan : salalayan ng ulo kapag nakahiga, lalo na ang telang bag na tigib sa goma, balahibo, dayami, at ibang , malambot na palamán
ú•nang gí•nang 1: asawa ng pangulo 2: babae na nangunguna o natatangi sa isang partikular na larang o propesyon
ú•nang pa•na•ú•han : panauhan ng pang-halip na panao na tumutukoy sa táong nagsasalita, hal ako, akin, natin
ú•nang pa•ngá•lan : pangalang ibinibigay sa isang tao pagsilang o pagkabinyag at ginagamit o isinusulat bago ang apelyido
unanimous (yu•ná•ni•mús) 1: nagkakasundo lahat 2: sa opinyon, batas, at katulad, ginanap o binigyan ng bisà sa pamamagitan ng pangkalahatang kasunduan
ú•nat 1: pagtutuwid ng anumang baluktot, hal pag-unat sa bisig 2: kung sa damit at katulad, pag-aalis ng kulubot, hal pag-uunat ng palda sa pamamagitan ng plantsa 3: tubó