vox angelica (voks ang•hél•i•ká) : paraan ng pagkontrol sa tugtog ng organo na lumilikha ng mahinà at mataginting na tono
vox humana (voks hyu•méy•na) : paraan ng pagkontrol sa tugtog ng organo na idinisenyo upang lumikha ng tonong katulad ng tinig ng tao
vox populi (voks póp•yu•lí) : opinyon ng mga tao; popular na paniniwala o usap-usapan; pangkalahatang hatol
voyage (vóy•idz) 1: lakbay o paglalakbay, lalo na ang paglalayag sa malayòng pook 2: paglalakbay sa himpapawid o kalawakan, gaya sa eroplano
vo•yá•voy : tuwid at pandak na palma (Phoenix hanceana, var. philippinensis), 2 m ang taas, may mga dahon sa dulo ng bunged, at may maliliit na bungang nakakain, katutubò sa Batanes
voyeur (vo•yúr, vwa•yúr) 1: tao na nagkakaroon ng kasiyahan sa pamamagitan ng paninilip sa mga seksuwal na kilos o bagay, karaniwang palihim 2: tagamasid na walang kapangyarihan; manonóod na pasibo
V sign (ví•sayn) 1: agtaas ng hinlalato at hintuturo upang gumawâ ng senyas ng V at nagpapahiwatig ng tagumpay 2: gayong senyas na ginagamit upang magpahayag ng pagsang-ayon