wá•wa 1: maluwang na bukana ng ilog mula sa dagat 2: pag-unawa sa sinasabi 3: pinaikling kawawà 4: láway1
wax (waks) 1: malagkit at manilaw-nilaw na substance, gaya ng pagkit, tutulí, at katulad 2: pagkít 3: anumang katulad na substance sa mga insekto o haláman
wax plant (wáks plant) : baging (Hoya carnosa) na abuhing lungtian ang dahon at may bulaklak na putîng pink
waxwork (wáks•work) 1: artistikong bagay na gawâ sa wax, bílang pigura, disenyo, at katulad 2: bagay, lalo na ang binuong sinlaki at kahawig ng tao na gawâ sa wax