waterproofing (wá•ter•prúf•ing) : proseso o paraan para hindi tagusán ng tubig ang bubong, dingding, o katulad
watershed (wá•ter•syéd) : guhit na naghihiwalay sa pagitan ng tubig na umaagos patungo sa ilog, lawa, dagat, at katulad
waterspout (wá•ter•ís•pawt) 1: bútas o túbong palabasan ng tubig, gaya ng nakakabit sa alulod ng bahay o gusali 2: buhawi 3: paitaas na bugá ng tubig
water supply (wá•ter sup•láy) : ang probisyon at pag-iimbak ng tubig, o ang halaga ng tubig na inimbak, para sa paggamit ng isang bahay, bayan, at katulad
watertight (wá•ter•tayt) 1: mahigpit ang pagkakasará upang hindi mapasok ng tubig 2: sa argumento o pagtatálo, hindi mapasusubalian
wattage (wá•teyds) 1: lakas na sinukat sa pamamagitan ng watt 2: lakas ng koryente na magagamit ng isang kasangkapang elektrikal
wa•tu•sí 1: sa malakíng titik, kabuuang tawag sa tribung Tutsi 2: masiglang sayaw 3: uri ng paputok na kinakalat sa daánan at pumuputok kapag natapakan