- water buffalo (wá•ter bú•fa•ló)png | Zoo | [ Ing ]:uri ng kalabaw
- water chestnut (wá•ter tyést•nat)png | Bot | [ Ing ]:halámang-tubig (Trapa matans) na may butóng nakakain
- watercolor (wá•ter•kó•lor)png | Sin | [ Ing ]1:pigment na tubig ang ginagamit sa pagtunaw sa halip na langis2:teknik sa pagpipinta sa pamamagitan ng paggamit nitó3:pintura o disenyo ng gawâ dito
- wá•ter•fróntpng | [ Ing ]:bahagi ng isang bayan na malapit sa ilog, lawa, baybayin, at katulad
- water hole (wá•ter hol)png | [ Ing ]1:lunan sa rabaw ng lupa na may tubig2:bukal ng tubig
- water lettuce (wá•ter lé•tis)png | Bot | [ Ing ]:nakalutang na halámang akwatiko (Pistia stratiotes), may mga dahong tíla bulaklak, at ang mga bulaklak ay maliit, lungtian, at nakatago sa mga dahon
- water lily (wá•ter lí•li)png | Bot | [ Ing ]:halámang-tubig (family Nymphaeaceae) na may malalakí at sapád na dahon
- water line (wá•ter layn)png | [ Ing ]:guhit na nakapalibot sa gilid ng sasakyang pantubig at tinatamaan ng tubig na nagsisilbing pananda sa bigat ng kargamento
- wá•ter•márkpng | [ Ing ]:malabòng disenyo sa papel, at nakikíta kapag tinamaan ng liwanag
- water meter (wá•ter mí•ter)png | [ Ing ]:kasangkapang pansukat at panrekord sa tubig na nagamit ng isang bahay, gusali, at katulad
- water mill (wá•ter mil)png | [ Ing ]:malakíng molino na pinaaandar ng gulóng na pinaiikot ng tubig
- wá•ter pó•lopng | Isp | [ Ing ]:pangkatang laro ng mga manlalangoy, na nag-uunahang maibuslo ang bola sa goal ng kalaban
- waterproof (wá•ter•prúf)png | [ Ing ]:anumang tela o materyales na hindi napapasok ng tubig
- waterproof (wá•ter•prúf)pnr | [ Ing ]:hindi tinatagusan ng tubig