washer (wá•syer) 1: a tao o bagay na naghuhugas b kasangkapan sa paglalaba 2: sapád na bilóg na goma, metal, katad, at katulad na isinisingit sa hugpungan upang mapigil ang pagtagas ng likido
wa•sí•was 1: paghampas o paghawi gamit ang likod ng kamay 2: pantakot sa bukid na gawâ sa kawayan 3: paghila, tulad ng pagsabunot sa buhok ng isang tao o paghila sa nakasampay na damit 4: kilos na tíla paulit-ulit na humahawi sa hangin, tulad sa kilos kapag bumubugaw ng langaw
was•wás 1: galaw ng manipis na bagay kapag hinihipan ng hangin 2: ang ginagawâ sa damit hábang binabanlawan ito