wíg•wam : pabilóg na silungan ng mga American Indian, karaniwang yarì sa kawayan, sanga, balát ng hayop, at katulad
wig•wíg 1: kalóg1 o pagkalóg 2: paligoy-ligoy na pagsasalita 3: pagdidilig nang tinututop ng kamay ang daluyan ng tubig upang humina ang paglabas ng tubig 4: wilig
wi•kà 1: lawas ng mga salitâ at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan 2: sistema ng tunog na gumagamit ng arbitraryong senyas sa pinagkaisahang paraan at pakahulugan 3: senyas at simbolo na isinasaalang-alang sa paraang abstrakto na kasalungat ng binibigkas na salitâ 4: anumang set o sistema ng mga gayong simbolo na ginagamit sa parehong pamamaraan ng isang partikular na pangkat upang magkaintindihan 5: pabigkas na paggamit ng naturang sistema o lawas ng mga salita.
wild plantain (wayld plan•téyn) : uri ng helikonya (Heliconia caribaea) na kahawig ng false bird-of-paradise ngunit mas mataas at may braktea na kulay pulá, tatsulok, at sapin-saping magkasalungat ang hanay, putî ang bulaklak na lungtian ang dulo, katutubò sa West Indies
wíl•ga : maliit na punong-kahoy (genus Geijira) na nakatatagal sa mainit na panahon, karaniwang matatagpuan sa Australia