- windpipe (wínd•payp)png | Bio | [ Ing ]:trakéa ng humihingang vertebrate
- windshield (wínd•syild)png | [ Ing ]:kalasag na binubuo ng salamin na nása dashboard ng isang sasakyan
- windsurfing (wind•sár•fing)png | Isp | [ Ing ]:paraan ng pagsakay sa malalakíng alon sa pamamagitan ng isang sapád na kahoy o plastik na may layag, at pinapatnubayan ng isang nakatayông manlalangoy
- wineglass (wáyn•glas)png | [ Ing ]:kopita para sa alak
- wine press (wayn pres)png | [ Ing ]:aparato para sa pagkatas ng ubas para gawing alak
- winning (wí•nin)pnr | [ Ing ]:nagtatagumpay; nagwawagi
- wintergreen (wín•ter•grín)png | Bot | [ Ing ]:laging-lungting palumpong (genus Pyrola) na matinik ang hugis-kampanang bulaklak
- winter solstice (wín•ter sóls•tis)png | [ Ing ]:solstice, karaniwang tuwing 21 Disyembre na hudyat ng simula ng winter sa hilagang hemisphere