Ymir (í•mir) : kauna-unahang nilaláng na pinagmulan ng mga higante at ng mundo, napatay ni Odin at ng kaniyang mga kapatid
yó•del : umawit nang ma-lamyos at may palagiang pagpapalit sa pagitan ng falsetto at normal na tinig, katulad ng paraan ng pag-awit ng mga Swisong naninirahan sa bundok
Yó•ga 1: pagsasáma ng sarili sa pinakamakapangyarihang nilaláng 2: alinman sa mga pamaraan o disiplina na naaabot ang pagsasámang ito 3: paaralan ng pilosopiyang Hindu na nagtataguyod at nagbibigay ng daan sa pisikal at mental na mga disiplina upang maabot ang pagsasámang ito
yoghurt (yó•gart) : pagkain na maasim, gawâ sa kinortang gatas, at karaniwang sinasangkapan ng prutas
yo•kóng : maliit na ibon (Pitta erythnogarter), makulay ang balahibo, napakaikli ang buntot, mahabà at payát ang binti, at palaging nása lupa
yolk (yowk) 1: búrok1 2: bahagi ng itlog ng hayop na direktang pumapasok sa pagbubuo ng embryo kasáma ang iba pang materyal 3: gitnang bahagi 4: langis na lumalabas sa balát ng tupa