yup•yóp 1: paggamit ng katawan bílang takip ng nais bigyan ng init o proteksiyon, gaya ng pagtakip ng inahin sa mga sisiw 2: pagtatagò ng mukha sa unan, dibdib, o kandungan upang ikubli ang lungkot
yú•rak 1: paulit-ulit na pagtapak sa isang bagay upang masirà 2: pagsirà sa puri, karangalan, o pangalan ng isang tao
yurt : tent na pabilóg, gawâ sa katad o makapal na tela, at madalîng itayô at kalasin, ginagamit ng mga naninirahan sa Mongolia at Siberia
yut•yót 1: pagbaluktot o paglundo ng isang bagay pababâ dahil sa bigat 2: tunog na likha ng pagbaluktot ng poste o paglundo ng upuan, higaan, sanga ng kahoy, at katulad dahil sa bigat o diin na nakadagan