Young Men’s Christian Association (yang mens krís•tyan á•so•si•éy•syon) : samahang pangkalusugan at pagtutulungang pangkaunlaran sa hanay ng kabataang laláki na nagsimula sa Britain noong 1844
young urban professional (yang ur•bán pro•fes•yó•nal) : kabataang may mataas na ambisyon, may mahusay na pinag-aralan at pro-pesyon, at namumuhay nang mariwasa sa lungsod
Young Women’s Christian Association (yang wé•mens krís•tyan áso•si•éy•syon) : samahang pangkalusugan at pangkaunlaran sa hanay ng kabataang babae na nagsimula sa Britain noong 1855
yours (yurs) 1: anuman at sinuman na kasáma o may kaugnayan sa sarili 2: karaniwang kabílang sa batìng pangwakas ng isang liham hal, yours truly
yó•weng 1: awit kapag may pagtitipon, may tatluhang nota at may estilong nagsasagutan 2: awit kapag nagkakatas ng tubó, at may apatang nota
yó-yo : laruang ikiran, binu-buo ng pinagsaklob na dalawang bilóg na kahoy, metal, o plastik na pinagdurugtong ng maliit na piraso ng kahoy o metal at pinaiikot sa pamamagitan ng pisi
Ytterbium (i•túr•bi•yúm) : bibihirang metalikong element na natatagpuan sa mineral na gadolinite (atomic number 70, symbol Yb)
Yttrium (í•tri•yúm) : bibihirang trivalent na metalikong element, nakukuha sa gadolinite at iba pang mineral (atomic number 39, symbol Y)
yug•yóg : galaw na pabalik-balik, gaya ng galaw ng pu-nongkahoy na hinihipan ng malakas na hangin, o paggalaw sa tao na pinipilit gisingin