yung•yóng 1: isáma o ilagay ang isang bagay sa pangangalaga ng isang tao bílang proteksiyon 2: palawakin o palakasin ang impluwensiya at kapangyarihan
yú•nit 1: isang tao o bagay 2: anumang pangkat ng tao o bagay na itinuturing na iisang entidad 3: isa sa mga indibidwal o pangkat na bumubuo sa isang bagay; isa sa mga bahagi o elemento ng isang kabuuan 4: pangkát 5: kantidad na pinilì na maging istandard na pansukat at pamantayan ng ibang uri ng pansukat