La•tín 1: wika ng sinaunang Roma at ng imperyo nitó 2: bansa o tao na gumagamit ng mga wikang nagmula sa Latin
latitude (lá•ti•tyúd) 1: a nakaanggulong distansiya sa kanluran o silangang meridian ng ekwador at isinasaad sa degree o minuto b rehiyon o klima, lalo na kung patungkol sa temperatura 2: kalayaan sa interpretasyon 3: nakaanggulong distansiya ng lawas pangkalawakan mula sa ekliptiko
la•tód : lasa, latoy, o linamnam, ginagamit na kasáma ang salitâng walang, hal “Walang latod ang inihaing pagkain.”
lá•tok 1: mababàng hapag kainan na yarì sa kahoy 2: kahoy na palanggana 3: baging (Telosma procumbens) na nakakain ang bunga ngunit nakalalason ang mga dahon