launder (lón•der) 1: labhan o plantsahin ang damit, kumot, at iba pa 2: ilipat ang pondo upang ilihim ang ilegal na pinagmulan
laundry (lón•dri) 1: silid o gusali na pinaglalabahan ng damit, kumot, at iba pa 2: labada 3: paglalaba ng mga ito
Laura (láw•ra, lá•u•rá) : tauhan sa Florante at Laura, anak ni Haring Linceo at kasintahan ni Florante.
laureate (lór•yet) 1: pinutungan ng koronang lawrel bílang tanda ng karangalan o kadakilaan 2: tulad ng lawrel
lá•va 1: kumukulo at tunaw na bagay na dumadaloy mula sa bulkan 2: solidong substance na nabubuo nitó paglamig.
la•vá•bo 1: ritwal ng paghuhugas ng kamay ng pari kung may misa 2: tuwalya o palangganang ginagamit sa naturang ritwal.
la•wá•an 1: matigas at malaking punongkahoy (Parashorea malaanonan), 60 m ang taas, 2 m ang diyametro, may bulaklak na mapusyaw na dilaw ang kulay, ginagamit ang kahoy sa paggawâ ng kabinet, muwebles, panloob na dingding ng bahay, sasakyang-dagat, at playwud 2: lawà