la•tóy 1: sigla, sarap, o anumang pang-akit ng isang pangungusap, bagay, ugali, at iba pa, karaniwang nása anyong negatibo, gaya sa walang latoy na palabas 2: sítaw.
latrine (la•trín) 1: sisidlan o hukay na ginagamit sa kubeta 2: kubetang pampubliko, lalo na sa kampo
latter (lá•ter) 1: kabílang sa susunod na panahon o yugto 2: pangalawa sa dalawa at panghulí sa isang serye.
lattice (la•tís) 1: estrukturang yarì sa magkakakrus na bára o kahoy at ginagamit na iskrin, bakod, at iba pa 2: regular at peryodikong pagkakaayos ng mga atom, ion, o molecule sa isang solidong kristalina.
la•úd 1: instrumentong de-kuwerdas, mahabà ang leeg na may traste, at hungkag ang katawang hugis peras 2: kanlúran1-2
launch (lonts) 1: lantsa 2: malaking barko na ginagamit sa paghahatid ng suplay at hukbo sa panahon ng digmaan
launch (lonts) 1: ibunsod hal hal ang bapor o kandidatura sa halalan 2: ipadalá o ibunsod hal hal ang armas o rocket 3: patakbuhin o simulan ang isang gawain, tao, at iba pa 4: ipakilála nang pormal ang isang produkto, gawain, at iba pa