la•wág 1: pook na nahawan ang mga kahoy at dawag upang pagtaniman 2: liwanag1 3: yugto sa pagkakaingin na nililinis ang sakop upang itakda ang lawak nitó
lá•wak 1: pook o espasyong maluwag at malaki ang sakop 2: larang ng pananaliksik, gawain, o iba pang bagay
la•wá•la•wá : damo (Paspalum conjugatum) na malápad ang tangkay, lungti ang bulaklak, at manipis ang dahon
lá•wa-lá•wa 1: gagamba o ang sapot nitó 2: isang uri ng awit 3: mahinàng ulan, ngu-nit mas malakas kaysa patak ng hamog
lá•wan 1: punongkahoy (family Dipterocarpus) na matigas at ginagamit sa paggawâ ng muwebles at bahay 2: parusa sa tao dahil sa paggawâ ng kasalanan sa kalaswaan
La•wà ng Ba•í : malaking lawà sa Laguna, tinawag ding Laguna de Bay (Baí) noong panahon ng Espanyol at napagkamalang Laguna Bay noong panahon ng Amerikano
lá•was 1: ngipin ng salapáng 2: katawan1,2 3: uri ng lotus (Nymphaea nouchali) 4: isang malaki at natatanging koleksiyon, hal lawas ng tubig, lawas pangkalawakan
la•wá•yan 1: maliit na lubid na ginagamit na tuhugán ng tingga o pataw ng lambat 2: isdang (caranx armatus) may mahabàng palikpik sa batok