R, r 1: ikadalawampung titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na ar 2: anumang bigkas na kumakata-wan sa titik R o r 3: pasulat o palim-bag na representasyon ng R o r 4: tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik R o r
R, 1: river 2: inirehis-tro bílang trademark 3: sa ahedres, rook 4: reverse4 5: radikal 6: stage right 7: railroad 8: rektor 9: sa pag-uuri ng pelikula, restricted1
ra•báw 1: ibabaw1,2 2: panlabas na mukha o bahagi ng isang bagay; pinakaibabaw o pinaka-mataas na suson o bahagi 3: anumang mukha ng isang lawas o bagay, hal rabaw ng isang dais 4: lawak o lakí ng panlabas na bahagi 5: panlabas na itsura na kaiba sa panloob na katangian 6: sa heometriya, anu-mang pigura na may dalawang di-mensiyon; bahagi o lahat ng hangga-han ng isang solid 7: pagla-lakbay sa lupa at sa dagat, sa halip na sa himpapawid, sa ilalim ng tubig, o sa ilalim ng lupa
rabbet (ráb•it) : malalim at tíla baitang na uka sa isang gilid ng kahoy na maaaring lapatan ng isa pang kahoy gaya ng sa hamba ng pinto
rabbi (ráb•ay) 1: pangu-nahing opisyal ng sinagoga na nag-sanay sa seminaryo at itinalagang maging espiritwal na pinuno ng Hu-daismo at ng pamayanang Hudyo 2: titulong pamitagan sa mga guro at iskolar na Hudyo 3: sa malakíng titik, hari ng Ehipto
rabies (réy•biz) 1: naka-hahawang sakít ng áso, pusa, at ka-tulad na dulot ng virus na Fermido inexoribilis, nakamamatáy kapag hin-di nagamot, at karaniwang naililipat sa tao sa pamamagitan ng kagat ng hayop na may ganitong sakít 2: hydrophobia