racer (réy•ser) 1: sinuman o anuman na lumalahok sa karera 2: kabayo, yate, bisikleta, at katulad na ginagamit na pangkarera 3: anumang mabilis tumakbo 4: alinman sa maraming uri ng payat na ahas na mula sa mga genus na Coluber at Masticophis
racial classification (réy•syal kla•si•fi• kéy•syon) : pag-uuri sa lipunan batay sa dugo o lahing pinag-mulan
rack (rak) 1: balangkas, kara-niwan ng rehas, bara, kawit, at katulad na pinagsasabitan ng mga bagay 2: salansanan 3: sa bilyar, hugis tatsulok na pinag-aayusan ng mga bola sa iba-baw ng mesa 4: matinding pagdurusa ng katawan o isipan 5: pagkawasak; lubos na pagkasira
racket (rák•et) 1: raketa 2: malakas na ingay lalo na iyong naka-bubulabog o nakabubulahaw 3: organisado at ilegal na gawain, ga-ya ng panghuhuthot 4: a mapanlinlang na gawain at katulad b pinagkakakitaan
radar (réy•dar, ra•dár) 1: sistema ng pagtaya ng direksiyon at pook na kinaroroonan ng isang ba-gay na gumagalaw sa pamamagitan ng pagpapadalá ng mga along-radyo na may mataas na dalasan at pag-puna sa bumabalik na alingawngaw 2: aparatong ginagamit sa pagsasa-gawâ nitó
radiant energy (réy•di•ánt e•ner•dyí) 1: enerhiyang napalala-ganap sa pamamagitan ng paggalaw ng alon lalo na ng elektromagnetikong alon 2: liwanag2