sag•láw 1: uri ng luto na magkahalòng pinakuluan ang isda at gulay 2: paglalagay ng tubig sa darak na ipapakain sa baboy
sag•mít 1: matinik na palumpong (Rubus rosaefolius) na tumataas nang 1 metro at may dahong maliliit at mayabong 2: biglaang pag-agaw
sa•gó 1: uri ng palma (Metroxylon sagus) na napagkukunan ng nakakaing bunga 2: uri ng gawgaw na mula sa pinulbos na ubod ng palma at nakakain 3: manipis na suklay
sá•gor 1: pagsabit sa isang sanga ng nahulog na bagay 2: pag-bubuhol-buhol ng tali na mayroong palaso o lanseta na parang kawil