sag•pák 1: papatag na pagbagsak ng tiyan sa rabaw ng tubig 2: ingay ng alon na humahampas sa tabing dagat
sag•rár•yo 1: komunidad ng diyakono, pari, at obispo 2: santuwaryo ng simbahan 3: silid sa bahay na naglalamán ng mga bagay na itinuturing na banál
sag•ság 1: lumakad nang nagmamadali 2: magbakbak o bakbakin 3: sirain sa pamamagitan ng pagpalò at pagbugbog 4: magtadtad o tadtarin 5: pagtapatán
sag•ság 1: lumulundô sanhi ng hindi normal na bigat, lambot, o kawalan ng lamán 2: bumababâ gaya ng pang-itaas na butò 3: hindi tuluyang napútol nang pahabâ
ság•sag 1: paghati ng isang bagay mula sa itaas patungo sa ibabâ 2: pagbiyak ng kawayan nang pahabâ at napakanipis 3: paglubog ng isang bagay na matulis 4: lakas o dami ng isang bagay, mula dito ang kasagsagán 5: patpát1