sa
- 1:
- ginagamit bago ang oras, hal sa ika-3 nh, sa ikatatlo ng hapon
- 2:
- ginagamit bago ang pangalan ng pook, ang pinanggalíngan, at ang pinagmulan ng isang tao o bagay, hal mula sa Maynila, gáling sa unggoy, mula sa bahay, buhat sa pagkabatà
- 3:
- ginagamit bago ang panga-lan ng pook, kinalalagyan, at pinangyarihan, hal ipinangangak sa Bulakan, inilagay sa bote
- 4:
- ginagamit bago ang pangalan ng rehiyon, lalawigan, bayan, o pook, hal lumakí sa Visayas, tubò sa Quezon
- 5:
- nagsasaad ng araw, buwan, at taon, hal sa Lunes, sa Mayo, sa taóng 2000
- 6:
- ginagamit bago ang pangalan ng pook at nagsasaad ng direksiyon, hal táyo sa Iloilo, táyo sa Maynila
- 7:
- ginagamit bago ang panghalip at nagsasaad ng táong kasáma, hal sumabay sa akin, sumáma sa kaniya
- 8:
- ginaga-mit bago ang salitâng may at nagsa-saad ng nalalapit na pook, petsa, oras, o panahon, hal sa may Pebrero, sa may tulay
- 9:
- ikinakabit sa kay upang mabuo ang kaysa na nagsasaad ng paghahambing, hal Magalíng kaysa iyo, Mabait kaysa iba
- 10:
- ikinakabit sa na upang mabuo ang nása na ginagamit sa pagsasaad ng kinaroroonan at lokasyon, hal nása bahay, nása akin, nása loob
- 11:
- sumusunod sa para o ukol upang mabuo ang para sa o ukol sa na nagsaad kung kanino nakalaan ang isang bagay, hal “para sa akin” o “ukol sa akin”, “para sa lahat” o “ukol sa lahat”
