sa•la•gó : palumpong (Wikstroemia ovata) na may malápad at matigas na balakbak, hugis itlog na dahon, maliit na dilaw na bulaklak, at mapagkukuhanan ng resin at langis ang dahon
sa•lá•gun•tíng 1: uri ng tipaklong na parang gunting ang anyo 2: tungko ng tatlong poste na sinasabitan ng pansalok, pambuhat, at iba pang mekanismo 3: tahilan 4: hígop-hángin
sá•lak 1: salitâng Kapampangan, tumigil ang pagdaloy ng tubig ng ilog dahil sa nakaharang na damo at yagit 2: sumali sa usapan
sá•lak 1: halò ng iba’t ibang kárat ng ginto 2: panganay na anak ng kabayo o báka 3: paghihiwalay sa mag-asawa bílang anyo ng parusa 4: salà1 5: halò1 6: lórong intsík
sa•la•káb 1: panghúli ng isda na tíla basket, nakabukás at higit na malapad ang ilalim 2: paraan ng paghuli sa sinungaling
sa•la•ká•po : malam-bot na baging (Tournefortia sarmentosa) na may makintab na dahon, maputlang lungting bulaklak, at bilóg na prutas
sa•lá•kay 1: paggawâ ng isang marahas at agresibong kilos laban sa isang tao, pook, bagay, o pangkat ng mga ito 2: katulad na kilos laban sa itinuturing na masamâng idea, problema, o panig 3: sa isports, katulad na kilos laban sa katunggali o kabilâng panig 4: kung sa digma, kampanya na gumagamit ng hukbo at mga sandata túngo sa pagwawagi