sa•lak•bát : bánda o sintas na umiikot mula sa isang balikat at bumababâ pahalang sa baywang at bumabalik sa balikat
sa•lak•bó 1: pagpulandit paitaas katulad ng tubig na kumu-kulo o katulad ng tubig na lumalabas sa puwente o katulad ng kalabsaw ng tubig na pinalo ng isang balyena 2: pagtakbo o pag-iwas dahil sa pagkabigla
sa•la•kót : sombrerong may malapad na pardiyas at gawâ sa nilálang tinilad na kawayan, yantok, o dahon ng palma
sa•lak•sák 1: instrumentong panggalugad na karaniwang mahabà at payat 2: signos na ibinabadya ng kasaykasay at nagsasaad na may mamamatay 3: sa sinaunang lipunan, ibong nagbibigay babala o pangitain
sa•lá•lak : tíla gunting na dalawang kawayan at ginagamit sa pagbabangon ng haligi at mabibigat na bagay
sa•lá•lay 1: patag na lalagyan o sisidlan gaya ng platito na pinapatú-ngan ng tása 2: lalag-yang may tubig na pinapatúngan ng baso, bangang maliit, plorera, at mga katulad upang hindi akyatin ng langgam
sa•lám 1: kakayahang manatili nang matagal sa ilalim ng tubig 2: sinaunang pagsubok na isinagawâ sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig ng ulo ng nagkasála