sa•la•mán•der 1: tíla butiking (order Urodeles) amphibian na walang kaliskis at mamasâ-masâ ang katawan 2: hayop na pinaniniwalaang maaaring tumigil sa apoy nang hindi nasusunog
sa•la•máng•ka 1: mapanlinlang na salita, gawâ, o pagtatanghal 2: lihim na karunungan sa paggawâ ng iba’t ibang uri ng kababalaghan
sa•la•mín : babasagíng kristal, may pahid na metaliko o amalgama sa likod nitó, at nakapag-bibigay ng repleksiyon sa anumang nása harap
sa•la•mí•sim 1: malungkot ngunit matamis na alaala 2: paglabas ng tubig mula sa basâng lupa o anumang katulad na tinatapakan 3: pagbabalik ng sakít na gumaling na o ng masamâng amoy