tang•gól 1: pag-babantay laban sa salakay, pinsala, o panganib 2: tao o bagay na nagbabantay laban sa salakay o panganib 3: pagkilos o paglaban para sa akusado 4: ta-lumpati o kasulatan ng pangangat-wiran
tang•hál 1: pag-papakíta o paglalantad ng mga bagay, gawâ, o pangyayaring may angking katangian o kahalagahan 2: pagpapalabas ng pelikula, dula, o dra-ma 3: paghaharap o pagpapakita 4: bulugang baboy na batà pa.
tang•ha•lì 1: a kalagitnaan ng maghapon b panahon sa isang araw sa pagitan ng umaga at hapon 2: kalagitnaan ng búhay, paglalakbay, usapan, at anumang kalagayang sinukat sa pamamagitan ng pana-hon.
ta•ngì 1: kaiba sa karaniwan o karamihan 2: kaisa-isa; walang katulad, natatanging isa 3: may partikular na okasyon, layon, at iba pa