tang•kál 1: nabibitbit na kulúngan ng manok o itik at gawâ sa maluwang na lálang kawayan o yantok 2: pagpapakinis ng kahoy.
tang•káy 1: pangunahing uhay o katawan ng punongkahoy, palumpong, o iba pang haláman na tumutubò sa lupa at may mga dahon 2: anumang uhay na sumasalalay sa dahon, bu-laklak, at bunga 3: puluhan.
tang•kî 1: paglalayô o pag-alis sa pagkakalapit 2: pagsaláng sa sinuman, karaniwan sa pamama-gitan ng siko
tang•kíl 1: paghawak nang marahan 2: pagtutulak sa iba gamit ang siko o tulad ng toro, gamit ang sungay nitó 3: pagla-lagay ng mga kahoy sa bahay.