tang•ku•ló : putong ng bagani na gawâ sa espesyal na tela, tininà sa pamamaraang pelangi, may abaloryo at borlas sa paligid.
tang•lád : damo (Cymbopo-gon citratus) na tumataas nang hanggang 1 m, mahabà at makitid ang dahon, at karaniwang ginagamit na pampalasa ng iba’t ibang lutuin
tang•lín : malaki-laking punongkahoy (Adenanthera interme-dia) na 15 m ang taas, may maliliit at kulay kayumangging bulaklak na nakakabit sa malambot na tangkay, katutubò sa Filipinas at itinatanim bílang lilim.