ta•ngí•le : punongkahoy (Shorea polysperma) na masanga at tumataas nang hanggang 30-50 m, kumpol-kumpol ang mga bulaklak na nagiging bungang may tíla limang pakpak.
ta•ngín 1: paglalagay ng isang bagay sa ibabaw ng isa pang bagay upang putulin ito 2: panan-daliang pagtigil ng mga naglalayag.
ta•ngí•sang-ba•yá•wak : ma-taas na punongkahoy (Fisus variegata), na may maputlang balát, malalapad ang dahong humahabà nang 10-17 sm, bilóg sa punò, at patulís ang dulo
tang•kâ 1: kilos sang-ayon sa isang layunin 2: panimulang pagsisi-kap na gawin ang isang bagay 3: pagkuwenta kung ano ang ginastos 4: pagtanda o pagtatalaga ng isang bagay 5: pangako.
tang•káb 1: masuntok sa ilalim ng babà at masaktan ang bibig 2: suntukin sa mukha ang iba at tumama sa bibig o babà 3: masubsob, karaniwang nasasaktan ang labì o babà