tennis (té•nis) : larong isahan o dalawahan, salítan ang ha-taw ng raketa sa bola upang puma-kabilâ ito sa mababàng net na nakahalang sa gitna ng patag at parihabâng court
te•nór, tén•or 1: boses sa pagitan ng baritone at alto; ang pinakamataas sa ordinaryong boses ng laláki 2: ang may gayong boses.
ten•si•yón 1: ang kilos o pagkakataon ng pag-iinat; kalaga-yan ng pagkainat o pagkabanat 2: kalagayan ng pagi-ging balisá na may kasámang pagkabanat ng kalamnan 3: kondisyon ng magulo o masalimuot na ugnayan, gaya sa iringan ng mga bansa
ten•tá•ku•ló 1: mahabà, manipis, at nababa-luktot na galamay ng isang hayop, lalo sa invertebrate, ginagamit sa pagdamá, paghawak, o paggalaw 2: bagay na katulad nitó na ginagamit sa pagdamá, at iba pa