té•les•kóp•yo : instrumentong binubuo ng túbong may mga lenteng nagpapalapit at nagpapalakí sa paningin sa mga ba-gay na nása malayò
té•le•téxt : mga balita at im-pormasyon sa anyong teksto at gra-piko mula sa computer na ihinahatid sa telebisyon na may angkop na pantanggap.
teller (té•ler) 1: tagatanggap o tagabayad ng mga salapi sa isang bangko 2: tao na nagbibiláng; taga-kuwenta.
tell-tale (tél teyl) 1: tao na nagbubunyag ng mga impormas-yon hinggil sa pribadong búhay ng iba 2: ang nagbubunyag o nagtatak-sil 3: kasangkapan sa awtomatikong pagmonitor o pagrerehistro ng isang proseso, at katulad.
tellurium (te•lú•ri•yúm) : malutong, makináng, at pini-lakang mala-metalikong element (atomic number 52, symbol Te).
telophase (té•lo•féys) : ang huling estado ng paghahati ng cell na nabubuo ang nuclei ng anak na mga cell.
tém•pe•rá : metodo sa pagpipinta na gumagamit ng emul-siyon ng pinulbong pigment na karaniwang may halòng pulá ng itlog at tubig.
tem•pe•ra•mént 1: ugali1,2 o pag-uugali 2: sistema ng pag-aareglo sa mga interval sa pagitan ng mga tunog ng isang instrumento na may takdang tono, upang ma-ging angkop sa lahat ng keys.