tém•pe•ra•tú•ra 1: antas o tindi ng init ng isang lawas kaugnay sa iba, lalo na ang ipinakikíta ng ter-mometro o nadaramá sa paghipo 2: antas ng pan-loob na init ng katawan
template (tém•pleyt) 1: padron o hulmáhan, karaniwang isang mani-pis na plate ng tabla o metal na ginagamit bílang gabay sa pagputol o pagbubútas ng isang metal, bató, kahoy, at iba pa 2: sapád na karton o plastik na padron o hulmáhan, lalo na sa paggupit ng tela.
tém•plo : gusaling itinalaga sa pagsamba o bílang tahanan ng diyos o diyoses at iba pang bagay na may pagpapahalagang panreli-hiyon
tém•po•rál 1: makalupà 2: ukol sa o kaugnay sa panahon 3: kaugnay sa o nagpapahayag ng panahon 4: sa may pilipisan.
temporality (tem•po•rá•li•tí) 1: pagiging pansamantala o hindi pangmatagalan 2: sekular na pag-aari, lalo na ang mga ari-arian at kíta o pinagkikitahan ng isang panrelihi-yong korporasyon o ng isang eklesyastiko.
tem•pú•ra : pagkaing gawâ sa isda, gulay, at iba pa na ipinrito matapos ibábad sa halò ng arina, gatas, at iba pa.