n.u.
nu (én·yu)
pnb daglat
:
ng umaga ; oras pagkaraan ng hatinggabi hanggang ikalabindalawa ng tanghali.
ñu (nyu)
png |Zoo |[ Esp ]
:
anuman sa antelope (genus Connochaetes ) na gá-ling sa Africa na may ulong tulad ng toro, kurbadong sungay, at mahabàng buntot : GNU,
WILDEBEEST
nuance (nú·wans)
png |[ Ing ]
:
bahagyang pagkakaiba ng kahulugan ng salita.
nuclear change (nuk·le·yár tseyns)
png |Kem |[ Ing ]
:
pagbabago sa nukleo ng atom para mabuo ang higit na magaan na nuclide mula sa mabibigat na nuclide o ang kabaligtaran nitó.
nuclear energy (nuk·le·yár é·ner·dyí)
png |Kem |[ Ing ]
:
init na nabubuo mula sa reaksiyong nuklear.
nuclear family (nuk·le·yár fá·mi·lí)
png |[ Ing ]
:
pamilyang binubuo ng mag-asawa at ng kanilang mga anak o ampon.
nuclear fission (nuk·le·yár fí·syon)
png |Kem |[ Ing ]
:
paghihiwalay ng mabibigat na nuclide upang maging magaang atom, radyoaktibong particle, at nagbibigay ng enerhiyang nuklear.
nuclear fusion (nuk·le·yár fyú·syon)
png |Kem |[ Ing ]
:
reaksiyong thermonuclear na ang mga magaang nuclei ay nabubuong mga mabigat na nuclide.
nuclear reactor (nu·kle·yár re·ák·tor)
png |Kem |[ Ing ]
:
reaktór núkleár.
nuclear weapon (nuk·leyár wí·pon)
png |[ Ing ]
:
sandátang nukleár.
nuclease (nú·kli·ás)
png |Kem |[ Ing ]
:
enzyme na katalesador sa pagbuwag ng nucleic acid.
nucleate (nyúk·li·yít)
pnr |Bio |[ Ing ]
:
may nukleo o nagkaroon ng nukleo.
nucleic acid (nu·klí·ik ás·id)
png |Kem |[ Ing ]
:
isang complex at organikong substance na matatagpuan sa mga buháy na cell, lalo na sa DNA at RNA.
nucleo- (nuk·lyú)
pnl |[ Ing ]
:
tumutukoy sa nukleo, nucleic acid, o nuklear.
nucleolus (nuk·lyú·lus)
png |Bio |[ Ing ]
:
maliit, bilóg, at buong estruktura sa loob ng nukleo na hindi nabibiyak hábang may interphase.
nucleonics (nu·kli·yó·niks)
png |[ Ing ]
:
sangay ng agham na tumatalakay ng atomic nuclei lalong lalo na ang aplikasyon nitó sa pang-industriyang inhenyeriya.
nucleoprotein (nu·kli·yu·pró·tin)
png |Kem |[ Ing ]
:
complex na nucleic acid at protina.
nucleoside (nú·kli·yu·sáyd)
png |Kem |[ Ing ]
:
organikong compound na binubuo ng purine o pyrimidine base na kaugnay sa sugar.
nucleosynthesis (nú·kli·yú·sin·ti·sís)
png |Asn |[ Ing ]
:
pagbubuong kosmiko ng mga atom na higit na masalimuot sa atom ng hydrogen at karaniwang resulta ng reaksiyong nuklear.
nucleotide (nú·kli·yu·táyd)
png |Kem |[ Ing ]
:
alinman sa uri ng mga ester na nabubuo sa pamamagitan ng inter-aksiyon ng phosphoric acid at nucleoside.
nuclide (nú·klayd)
png |Pis |[ Ing ]
:
atomikong uri na naglalamán ng mga atom na may parehong atomic number at mass number.
nudibranch (nyú·di·brángk)
png |Zoo |[ Ing ]
:
pandagat na gastropod mollusk (suborder Nudibranchia ) na hawig ng slug, walang talukab, matingkad ang kulay, at nakalantad ang pinakahasang.
nuée ardente (nyéy ar·dánt)
png |Heo |[ Fre ]
:
mainit na ulap ng gas, abo, at piraso ng lava na ibinuga ng bulkan, kasabay ng pagdaloy ng payroklastik.
Nueva Ecija (nu·wé·va e·sí·ha)
png |Heg
:
lalawigan sa Gitnang Luzon ng Filipinas, Rehiyon III.
Nueva Vizcaya (nu·wé·va viz·ká·ya)
png |Heg
:
lalawigan sa Hilagang Kanluran ng Filipinas, Rehiyon II.
nug·nóg
pnr |[ ST ]
:
kasunod o katabi, gaya sa kanugnog.
nuisance (nú·sans)
png |[ Ing ]
1:
tao, bagay, o pangyayari na nakagugulo
2:
Bat
anumang nakasasakít at nakagugulo sa isang indibidwal o komunidad, karaniwang lumalabag sa karapatang legal.
nuke (nyuk)
png |[ Ing ]
:
sandatang nuklear.
nuk·le·ár
pnr |[ Esp nuclear ]
1:
may kaugnayan o binubuo ng nukleo : NUCLEAR
2:
tumutukoy o sumasaklaw sa enerhiyang atomiko : NUCLEAR
3:
pinaaandar ng enerhiyang atomiko : NUCLEAR
nuk·le·ó
png |[ Esp nucleo ]
1:
gitnang bahagi na bumubuo ng iba pang bahagi : NUCLEUS
2:
Bio
esperikong mass ng protoplasm na napapalooban ng lamad at makikíta sa lahat ng buháy na cell : NUCLEUS
3:
4:
5:
6:
nullah (núl·a)
png |Heo |[ Ing ]
1:
sa silangang Indies, ang pabalik-balik na daluyan ng tubig
2:
nú·los
pnd |ma·pa·nú·los
:
kusang ipagpatúloy ang inumpisahang gawain.
Numbers (nám·bers)
png |[ Ing ]
:
sa Bibliya, Mga Bilang.
numdah (núm·da)
png |[ Ing ]
:
bordadong piyeltrong alpombrang mula sa India.
numen (nú·min)
png |Mit |[ Ing ]
:
namamayaning diwata o espiritu.
nu·me·rá·do
pnr |[ Esp ]
:
may numero.
numeral (nú·mi·rál)
png |[ Ing ]
:
salita, titik, o pigura na nagpapakilála ng numero o bílang.
numeral adjective (nú·mi·rál á·dyik·tív)
png |Gra |[ Ing ]
:
pang-úring pamilang2
numerator (nu·mi·réy·tor)
png |[ Ing ]
2:
Mat
bahagi ng fraction na nása taas ng linya, nagsasaad ng bahagi ng kabuuang hati.
numerical (nu·mé·ri·kál)
pnr |[ Ing ]
1:
may kaugnayan sa mga numero
2:
nagsasaad ng numero at simbolo nitó
3:
tumutukoy sa kakayahang gumawâ ng mga bagay na may kinaláman sa numero gaya ng paglutas ng problemang matematiko.
nu·me·ró·lo·hí·ya
png |[ Esp numerología ]
1:
panghuhula sa pamamagitan ng mga numero na umiinog sa tao, bagay, o pook : NUMEROLOGY
2:
pagkakaayos at pagkasunod-sunod ng mga numero : NUMEROLOGY
3:
pag-aaral sa numero na nagsasaalang-alang ng petsa ng kapanganakan ng tao at ang impluwensiya nitó sa búhay at kinabukasan : NUMEROLOGY
nú·me·róng na·tu·rál
png |Mat |[ Esp numero+Tag na+Esp natural ]
:
natural number.
nú·me·róng ne·ga·tí·bo
png |Mat |[ Esp numero+Tag na+Esp negatibo ]
:
negative number.
numismatics (nu·miz·má·tiks)
png |[ Ing ]
:
pag-aaral hinggil sa mga barya, medalya, at mga katulad : NUMISMÁTIKÁ
numnah (núm·na)
png |[ Ing ]
:
telang inilalagay sa ilalim ng sáya.
nu·nál
png |Ana |[ Esp lunar Ilk Tag ]
1:
Nunc Dimittis (nungk di·mí·tis)
png |[ Lat ]
1:
unang mga salita ni Simeon sa Lucas 2:29 -32 “ang mapayapang pamamaalam ”
2:
pahintulot na makaalis o magpaalam.
nunciature (nun·syéy·tyur)
png |[ Ing ]
:
opisina o termino ng serbisyo ng isang nunsiyo.
nu·nò
png
1:
salitâng-ugat ng ninunò1
2:
lólo at lóla
nu·nót
pnr
nún·si·yó
png |[ Esp Ing nuncio ]
:
permanenteng diplomatikong kinatawan ng Papa sa ibang bansa : NUNCIO
nú·nuks
png |Mit
:
sa mga Muslim, masamâng espiritu na naninirahan sa matataas na punongkahoy.
nursery (nár·se·rí)
png |[ Ing ]
1:
silid ng sanggol
2:
ibinukod na espasyo ng tahanan para sa mga batà
3:
pook para sa pag-aalaga ng haláman, kulisap, isda, hayop, at iba pa.
nurture (núr·tyur)
png |[ Ing ]
1:
anumang kailangan para mabúhay
2:
pag-aalaga at pagpapalakí ng batà
3:
pagtuturò at pagsasánay.