á•ni 1: búnga1 o produkto 2: pagkuha sa bunga ng tanim 3: malalakíng kabibe na ginagamit sa pag-ani ng palay
á•nib 1: pagsáma sa isang samahán o kapisanan 2: pakikiisa o pagsang-ayon sa kuro-kurò o simulain ng iba 3: balabal ng babae
a•ni•ber•sár•yo 1: petsa ng pagkaganap ng isang pangyayari sa nakalipas na isang taon 2: ang pagdiriwang nitó
a•ní•bong : katutubòng palma (Oncosperma tigillarium) na tumutubòng sintaas ng niyog, matigas ang balát, ngunit malambot ang bukag ng punò
a•ní•it 1: amoy ng nasusu-nog na pagkit, katad, at katulad 2: pakiramdam kapag masyadong mainit 3: alimango