a•ní•naw 1: pagtingin nang malapit at masusi sa isang bagay 2: pag-unawa o pag-intindi nang mabuti 3: pagbibigay ng páyo o paliwanag 4: anínag
a•ní•no 1: maitim o madilim na bagay na nalilikha ng anumang humaharang sa liwanag ng araw, kandila, at katulad 2: pagkakatulad, gaya sa anino ng ama ang anak
a•nís 1: yerba (Pimpinella anisum) na may aromatikong butó 2: tawag din sa mababango at maliliit na butó nitó, karaniwang ginagamit na pampabango sa pagkaing niluluto o bílang gamot sa pagpapalabas ng mga bulate sa tiyan 3: inís
a•nís•lag : uri ng matigas na punongkahoy, may maliit at makitid na dahon, at may balát na ginagamit upang magkulay itim ang abaka
anisotropic (án•ay•so•tróp•ik) : may magkakaibang pisikal na katangian na may magkakaibang direksiyon