aniline (án•i•láyn) : walang kulay at tíla langis na likido (C6H5NH2) na ginagamit sa pagga-wa ng pangkulay, droga, at plastik
á•nim 1: pamilang na katumbas ng dalawang tatlo; kalahati ng dosena 2: salitang bílang para sa 6 o VI 3: katipunán ng ganito karaming tao, bagay, at iba pa
á•ni•má 1: panloob na katauhan 2: termino ni Carl Jung sa malababaeng bahagi ng katauhan ng lalaki 3: kaluluwa1
animated cartoon (án•i•méy•tid kar•tún) : pelikulang ginawâ sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan sa serye ng mga drowing na nagpapakíta ng pagsulong ng aksiyon ng pelikula
animation (án•i•méy•syon) 1: pagiging masigla 2: pagiging buháy 3: pagsasapelikula ng magkakasunod na guhit ng larawan o mga pigura upang makalikha ng ilusyon ng galaw
a•ni•mís•mo 1: paniniwala sa kaluluwa o espiritu, na hiwalay sa materyal na bagay 2: paniniwalang may kaluluwa ang mga haláman, bagay, at natural na pangyayari 3: paniniwala sa supernatural na kapangyarihang nagsasaayos at nagpapagalaw sa materyal na daigdig