anthurium (an•thór•yum) : alinman sa genus Anthurium ng halámang tropiko na may malalakí at karaniwang makukulay na dahon at makulay na spathe
anti : tao o pangkat na sumasalungat sa isang bagay, gaya ng patakaran, pagkilos, o partidong pampolitika
an•ti•bi•yó•ti•kó : anumang substance na kemikal na nakasusugpô o nakapipigil sa pagtubò o pagdami ng bakterya
antibody (án•ti bád•i) : alinman sa iba’t ibang protina ng dugo, nalilikha sa normal na takbo ng katawan o dahil sa pagkalantad sa antigen, at nagsisilbing panlaban sa sakít o impeksiyon
anticlimax (an•ti•kláy•maks) 1: biglang pagbabago ng isang salaysay o diskurso mula sa mahalaga túngo sa hindi gaanong mahalaga o kakatwa 2: isang pangyayaring hindi gaanong mahalaga kung ihahambing sa sinundan nitó
antidote (án•ti•dówt) 1: gamot o iba pang lunas na pumapatay sa bisà ng lason 2: anumang panlaban sa isang masamâ o pangit na bagay
antigen (an•ti•dyén) : substance na karaniwang nakasasamâ sa katawan, gaya ng lason o bakterya, at nag-uudyok sa katawan upang lumikha ng antibody
an•tí•go 1: anumang bagay na labí ng unang panahon 2: anumang gamit o kasangkapang yarì sa unang panahon