an•te•se•dén•te 1: anumang bagay o pangyayaring nauuna 2: pinagmulan 3: pinagdaanang karanasan 4: tao o bagay na tinutukoy ng panghalip
anthem (án•them) 1: mapalamuting musikang pangkoro, karaniwang batay sa sipi mula sa Bibliya 2: taimtim na awit ng papuri o patriyotismo
Anthozoa (an•tho•zów•a) : malakíng class ng pantubigang coelenterata na kinabibilángan ng mga anemona at korales
Anthropoidea (án•thro•póyd•e•á) : isa sa tatlong sub-order ng Primate na may katangiang sapad na mukha, maliit at hindi kumikilos na tainga, tuyông ilong, at nakatuon sa harap na mga matá, hal tao, bakulaw, at unggoy
anthropomorphism (an•tro•po•mór•fiz•em) : pagbibigay ng pantao na katangian, anyo, o perso-nalidad sa diyos, hayop, o bagay