an•ti•sos•yál 1: hindi palakaibigan o hindi nakikihalubilo sa tao 2: laban, kalaban; galít sa ibang tao 3: salungat sa kaayusan ng lipunan
antitrust (án•ti•trást) : may kaugnayan sa pangangalaga sa kalakalan at negosyo laban sa ilegal na mga paghihigpit, monopolyo, at hindi pantay na tuntunin sa pagnenegosyo
an•to•lo•hí•ya 1: katipunan ng maiikli at pilìng tula na iba-iba ang may-akda 2: anumang katipunan ng mga akdang pampanitikan na iba-iba ang may katha 3: halò-halòng akda
an•to•ní•mo 1: paghalili ng bansag o taguri sa pangngalang pantangi 2: paggamit ng pangngalang pantangi sa pagpapahayag ng pangkalahatang idea