Anti-Krísto 1: personahe o kapangyarihang pina-niniwalaang prinsipal na kalaban ni Kristo 2: tao na hindi naniniwala kay Kristo
an•ti•ku•wár•yo 1: ukol sa mga antigong bagay o mga lumang aklat 2: ukol sa pag-aaral ng mga antigong bagay
antimony (án•ti•mó•ni) : element na malutong, madalîng mahatì, at metaliko (atomic number 51, symbol Sb)
an•tíng-an•tíng : bagay na pinaniniwalaang may kapangyarihang magligtas sa nagmamay-ari laban sa anumang kapahamakan
antinode (án•ti•nówd) : lunan ng pinakamalakas na pagki-nig na nása pagitan ng magkatabíng mga node ng isang kumikinig na lawas
antinomianism (án•ti•nó•mi•yan•íz•em) : doktrina na nagsasabing malaya na ang bawat Kristiyano sa kaniyang obligasyon na sundin o tuparin ang mga batas moral
an•ti•nó•mi•yá 1: salungatan ng dalawang tíla pantay at kapuwa wastong simulain o katwiran 2: isang pundamental at tíla hindi malulutas na tunggalian o kontradiksiyon